Love, Respect and (mis)Quotes

You know those quotes na madalas pino-post ng mga taong “inlab” pero medyo nawawala na ang “lab”? Yung tipong mga quotes na feeling nila eh inaaffirm ang mga kagagahan, ma-martiran at ka-ululan ng mga tao sa lovelife nilang medyo on the rocks? Eto ang isang example:

“People who truly love you will love and accept you no matter how moody or ill-tempered you are.”

Yan… Yan ang mga tipo na quotes na misleading at mas destructive keysa sa inspiring.

Don’t get me wrong. Di ako bitter. Naniniwala pa rin ako sa love at naniniwala ako na may true love. Pero naniniwala rin ako na ang true love ay respectful at reciprocal. Yung mga quotes na ganito? Gusto kong manampal ng tao pag sinabihan ako ng mga quotes na ganito.

These types of (mis)quotes are not supposed to be the basis or standard of how “good” your love is and it sure as hell shouldn’t be the justification of a person’s negative attitude. So, ano yun? Okay lang na maging kupal kasi may nagmamahal naman sa iyo kahit na kupal ka? Hindi excuse or valid argument para sa isang tao na maging forever moody or bastos, lalo na sa partner mo.

Don’t mistake love for martyrdon. Ang martyr nagpapaka martyr for a higher purpose or cause. Di valid cause or purpose ang jowa mo lalo na pag di ka niya kayang respetuhin, pramis. By staying in the relationship and by accepting this person’s attitude, you are enabling and encouraging them to continue their negative traits at hindi sila magbabago at di nila maiisip ang maging better person.

Hindi naman ibig sabihin na hindi mo na mahal yung tao pag iniwan mo sila. This is, in fact, the best way to show them how much you love them. Mahal na mahal mo sila ng bonggang-bongga kaya gusto silang maging better person. Love them but don’t stay and don’t accept anything less than what you deserve, especially with respect. Kahit nga ang aso o anumang pet eh lalayas din pag di sila tinatrato ng tama at pag nakaramdam na sila na di sila mahal or nirerespeto. Pasalamat ka nga pag umalis lang sila, eh paano pag kinagat ka pa? Rabies ang ending mo.

Kadalasan ang excuse ng mga taong ayaw umalis eh “Nag sorry naman sya eh” Okay. That’s good but unless yun na ang last apology nila, expect more apologies for the same thing over and over again. Ang tawag dyan: The Cycle. The best example for this is the broken glass exercise. Kumuha ka ng baso o plato at ibato mo. Mag sorry ka muna bago mo sya ipagdikit dikit ulit gamit ang glue. Pagka ayos mo sa kanya, ihagis mo ulit. Mag sorry ka ulit habang inaayos mo ulit sya. Para ba syang bago ulit? Di mo ba makikita kung saan sya nabasag? No. It will never be new ever again.

Tulad din ng baso o plato ang tao. A person’s temper or actions that are chalked up to his/her being “moody” or (insert other excuse here) breaks the other person and no matter how hard you try, it won’t be the same again. Basagin mo pa sya ng ilang beses and you may never be able to put it back together again. Humpty Dumpty lang ang peg.

Now, do you think it’s enough for you to stay with that person and that relationship just because you think you “love” them? Is it fair for you to stay? Is it fair for all concerned? (Parang Rotary lang yan) Is it right for you to let this person do it to other people too?

Love means doing the right thing and being responsible for your actions. Love means having the foresight, courage and strength to build the other person – to make them better and not break them. Love means doing the right thing by you and by your partner.

So, if you love someone, ACCEPT who they are but NEVER ACCEPT anything less than what you deserve.

2 thoughts on “Love, Respect and (mis)Quotes

  1. Hi! It seems that someone’s plagiarizing some of your lines below (I presume these are yours since you have not quoted another author):
    “Love means doing the right thing and being responsible for your actions. Love means having the foresight, courage and strength to build the other person – to make them better and not break them. Love means doing the right thing by you and by your partner.”

    Actual Plagiarism:
    http://mynameisalchavez.blogspot.com/2014/08/when-too-much-is-enough.html

    I’m not sure how you’ll receive this news — whether you’ll be flattered or not. In any case though, I just thought that you should know. Personally, I’m not a fan of plagiarism and posers.

    • Hey! Thanks for the heads up! I’ve put in a comment on that post and I just called her attention. 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *