True love is married to humor

I’ve always believed that true love exists. Medyo mahirap mahanap at minsan mas mailap pa ito keysa sa niyebe sa Pilipinas. Pero paminsan-minsan, pag sinuswerte, makikita mo ito.

Meet Zoe and Halla. Actually si Zoe di ko pa nakikilala ng face to face. Si Halla ang talagang kakilala ko. Ganyan talaga eh, ang magaganda magkakakilala kaming lahat. Hindi typical love story ang kwento nila. Sure, may “boy-meets-girl” na part at meron ding “kuya-meets-boy” pero ibang kwento yun.

Pagbukas ko ng Facebook ko kaninang umaga, bumungad ito sa timeline ko: (click on image to read)

letter

Panalo ito. Award kung award! 😀 Happy anniversary Zoe and Halla! May you remain happily married. Zoe, make sure na di mo pahihirapan o paiiyakin si Halla. Yung helmet na sinasabi mo? Baka ikaw ang mangailangan niyan. 😉

Ay, may pahabol pala si Zoe:

Anniv din ng parents kong sina Monina- Monette  at Carlos . Batiin ko na sila para masali sa pag sikat!

Binabati ko na din ang mga kapamilyang sina Lester , Kitchie , Djamillah , Santino  at Sean .

Gayun din ang aking mga kasamahan sa hospital ng veterans, mga ka church-mate (pati mga di-na ka church-mate) mga kaibigan sa Drum Nation at mga kamag-anak!

Thank u kay Tam para sa suot kong shorts at shirt ngayon, sa tatay ko for my sandals, sa nanay ko at kapatid na pinag-iwanan ko ng mga bata. Salamat sa inyong lahat

At syempre lalong-lalo na po sa mga fans!
Wala po ako kung wala kayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *